Chapter 1
Life taught me a lot of things. It broke me several times. The truth is, it was never easy to be left all alone by the people I thought will never leave me.
In the end, sarili ko lang pala ang makakapitan ko.
Isa akong babaeng pinagkaitan ng masaya at kumpletong pamilya. Lumaki sa iba't-ibang poder ng kamag-anak. Pinagpasa-pasahan at natutong magtrabaho sa murang edad pa lang.
Kaya ang konsepto ng pag-ibig ay hindi ko pinaniniwalaan. Ayaw ko ring paniwalaan.
Nabuhay ako sa mundong ito na walang kinagisnang magulang. Ang sabi, iniwan lang daw ako sa lola ko mula nang ipanganak ako. Ang nanay ko raw ay umalis para mangibang bansa at ang tatay ko naman, tinakbuhan ang nanay ko nang malamang buntis.
Lumaki ako sa pangangalaga ni Lola Beng. Malayong kamag-anak daw namin siya. Inihabilin daw ako ni mama sa kanya noon kaya lang hindi na binalikan.
Matandang dalaga siya at walang kamag-anak dito sa Palonio, Pag-asa City sa probinsya ng Mindang. Malayo ito sa kabihasnan at pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay.
"Rem, apo…" naramdaman ko ang paglapit ni lola sa tabi ko.
Nandito ako sa likod-bahay namin, nakatanaw sa malawak na taniman ng palay. May iilang magsasaka na abala sa pag-aani ng mga palay habang masayang nagku-kuwentuhan. Hindi nila alintana ang mainit na panahon.
"Lola" sagot ko at inilahad sa kaniya ang upuang kawayan sa tabi ko.
"Malapit kanang magcollege, apo. Saan mo balak mag-aral?" Tanong ni lola.
Natigilan naman ako sa naging tanong niya.
Oo nga, malapit na akong magcollege. Hindi ko alam kung makakapasok pa ba ako. Pero sinubukan kong mag-apply ng scholarship sa pangarap kong university sa Manila.
"Sa UP po sana, lola" sagot ko at mapait na ngumiti.
Marahang hinaplos ni lola ang likuran ko. Nakaramdam agad ako ng sobrang pagmamahal. Palagi niyang pinapagaan ang loob ko.
"Masaya ako, apo. May kaunti naman akong naipon dahil sa pension ko. Makakatulong sa'yo yun apo." sambit niya habang nangingilid ang mga luha sa mata.
Biglang kumirot ang puso ko. Napakabait talaga niya para sa akin.
Siya lang ang nag-iisa kong pamilya.
"La, wag na po. May ipon din naman po ako eh. Nag summer job naman po ako. May pamasahe naman po ako pa-Maynila" saad ko, tinatanggihan ang alok niya.
Umiling naman si lola at niyakap ako.
"Gusto kong makatapos ka apo. Kahit hindi mo ako palaging kasama, susuportahan kita. Kaya abutin mo ang mga pangarap mo, apo" bulong niya.
Pumatak ang mga luha sa aking mga mata at dinama ang yakap ni lola.
Hindi ko akalaing iyon na pala ang huli naming pag-uusap.
Pagkatapos kong makapasa sa application for scholarship sa UP at nang makauwi ako sa province namin, tuluyan na akong iniwan ni lola.
"La, bakit mo po ako iniwan? Bakit hindi niyo man lang po ako binigyan ng pagkakataon na makabawi sa kabutihan niyo?" pagpalahaw ko habang unti-unting tinitingnan ang kabaong niyang ibinabaon sa lupa.
May sakit pala siya at hindi man lang niya iyon sinabi sa'kin.
Ang sakit-sakit. Yung kaisa-isang taong maituturing kong pamilya, tuluyan ng nawala sa akin.
Kaya magmula noon, napunta ako sa poder ng isang malayong kamag-anak namin. Pinsan daw ni lola Beng ang nanay nila.
Sina Tita Mich at Tito Raf, may isang anak sila, si Benj na kaedad ko lang.
Noong una, maayos ang pakikitungo nila sa akin. Inaalagaan nila ako at hindi pinapagalitan.
Naging mabuti din naman kasi ako sa kanila. Hindi ako gumagala sa kung saan at gumagawa rin ako ng gawaing-bahay.
Nandito na kami ngayon sa Maynila. Ibinenta kasi nila ang bahay ni lola at yun ang ipinangbili ng bahay nila dito. Mag-aaral na rin kasi si Benj ng college. Sa UST naman siya papasok na ikinagulat ko dahil ang mahal ng tuition doon lalo't hindi siya scholar.
Yung naipong pera ni lola na ipinamana sa akin, idineposit ko sa bangko. Bale 100,000 din yun at ayokong galawin.
"Hoy, Rem!! Tanghali na, gumising kana!" bulyaw ni Tita at binuhusan ako ng malamig na tubig.
Pupungas-pungas pa akong bumangon. Alas dos ng madaling araw na ako nakatulog dahil sa pagrereview para sa midterms namin. Malapit ko ng matapos ang 1st sem sa UP bilang Mass Communication student.
Pangarap ko kasi 'yon eh. Gusto kong maging isang newscaster at tv host. Masaya akong maipahayag ang mga saloobin ko sa mga nangyayari sa bansa. Gusto ko ring maka inspire at makapagpasaya ng mga manonood.
"Magsaing kana! Ang tamad mong bata ka!" sigaw niya habang nanghihina akong bumangon mula sa kamang tinutulugan ko.
Hindi ko maunawaan kung bakit naging ganoon ang trato nila sa akin. Basta ang alam ko, namomroblema sila kay Benj dahil hindi na ito pumapasok, tapos hindi nila alam kung paano makakabayad sa tuition fee niya.
Agad na akong nagsaing at hindi na lang pinakinggan ang pagwawala niya.
Baka problemado lang talaga si Tita. Lilipas din 'yon.
"Rem! Pahingi ngang tubig!" utos ni tito nang dumating siya galing sa trabaho. Mukha siyang nakainom kaya agad ko siyang inabutan ng isang baso ng tubig.
"Salamat" sagot niya.
Tumango ako at bumalik sa binabasa kong reviewer. Pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang paraan ng pagtitig ni Tito. Hinahagod niya ng tingin ang kabuuan ko.
Bigla akong nailang kahit naka T-shirt at jogging pants lang naman ako.
Binalewala ko nalang ang ideyang pumasok sa isip ko.
Pero, lumipas ang ilang araw ganoon pa rin ang nararamdaman ko sa tuwing nasa malapit si tito.
Kaya todo ingat ako kapag matutulog at maliligo. Sinisiguro kong palaging nakalock ang pinto dahil nagiging iba na ang kutob ko. Parang may mga matang lihim na nakamasid sa akin.
"Rem.." nakarinig ako ng boses.
Napapitlag ako nang maramdamang may humawak sa hita ko.
Nanglaki ang mga mata ko.
"Ssshhh" bulong ni tito habang takip ang bibig ko.
Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko. Lasing na naman siya at mala demonyo ang mga ngisi niya. Pakiramdam ko’y nawawalan ako ng lakas dahil sa kaba sa isip ko.
"T-tito...w-wag" pagmamakaawa ko habang nagsisimula siyang hawakan ang maseselang parte ng katawan ko.
Ngumisi lang siya at tila walang narinig.
Nakaramdam na ako ng takot at galit.
"H-huwag!" sigaw ko at buong lakas na sinipa ang maselang parte sa gitna ng hita niya.
Mabilis akong lumayo at tumakbo sa labas ng bahay.
"Tulong! Tulong!" Sigaw ko habang patuloy sa pagluha.
Nagsilabasan ang mga kapitbahay namin at dinaluhan ako.
Ipina-blotter ko si tito at umalis ako sa bahay na iyon.
Hindi ko na kayang sikmuraing bumalik sa ganoong uri ng mga tao.
Malapit na akong magsecond year college nang kupkupin naman ako ng kamag-anak din namin. Si Nanay Milda at ang kanyang limang anak. Nakatira lang sila sa barong-barong dito sa Tondo, Manila.
Ang hirap, dahil siksikan talaga kami. Pahirapan din ang pagpasok ko sa university. Kaya minsan, nakikitulog na lang ako sa mga kaklase ko.
Nag-apply ako bilang part timer sa coffee shop malapit sa school. Kahit papaano, nakakatulong iyon sa pag-aaral ko. Nakakapag abot din ako ng pera kay nanay para man lang sa grocery.
"Good morning sir, what is your order po?" Magalang at nakangiti kong bungad sa isang lalaking kapapasok lang ng shop.
He smiled back at me. He is tall, masculine, and looked rich. Sa kilos pa lang at tindig, talagang hindi magkakamaling mayaman siya.
"Give me one cup of Americano, please" he answered.
Napatango naman ako at isinulat ang name niya sa cup.
"One americano for Sir Eyvan!" pagtawag ko.
Lumapit naman siya sa akin at tinanggap ang order.
"Thanks! Miss...." He trailed off then looked at my name plate.
"Miss Rem..yeah" he nodded then walked away.
I smiled and felt how my face blushed when he pronounced my name clearly. Parang ang sarap lang pakinggan.
"Miss?" a familiar voice interrupted me.
I took a nap here in the library.
"Hmmm?" Tamad kong iminulat ang mga mata.
"Gising na, magsasara na ang library" natatawang sabi niya.
Para naman akong sinabugan ng bomba at mabilis na tumayo. Iniligpit ko ang mga gamit kong nagkalat sa mesa. Dito na ako nakatulog dahil sa pagod sa trabaho at pagre-review.
"Naku! Pasensya na po sir!" nagmamadaling sambit ko.
He chuckled.
"Okay lang" sagot niya.
Napatigil naman ako sa ginagawa at hinarap siya. Napansin kong kami na lang ang tao sa library at madilim na rin sa labas.
"I-ikaw!?" Itinuro ko pa siya habang gulat ko siyang sinusuri.
He just shrugged and extended his hand for a shake.
"Yeah, it's me. Hello, Miss Rem" he smiled widely.
Kitang-kita ko ang pantay at mapuputi niyang ngipin. Sino kayang dentist niya?
"H-hi..Sir Eyvan" I stuttered after accepting his hand.
He tilted his head and bit his lower lip.
"Don't call me that, Rem. Ang formal masyado. Eyvan na lang" saad niya.
I nodded then finished fixing my things.
"Ahead lang ako ng one year. By the way, Eyvan Delos Santos, Civil Engineering" he said nang akmang aalis na ako.
I turned back and smiled at him.
"Nice to meet you, Miss Nijuan" he added while having a playful grin on his face.
Hindi ko maintindihan kung bakit parang tumigil ang ikot ng mundo habang kaharap siya. Dinig ko rin ang malakas na kabog ng dibdib ko.
I know with his presence I might be able to change what I usually believe in about love.
Ngunit gaya ng nakasanayan, pipiliin ko pa ring maging masaya kahit na mag-isa.