Prologue

1234 Words
Prologue   "Rem, sige na! Please! Pumayag kana."   Halos lumuhod na sa harapan ko ang bestfriend kong si Mir habang humihingi sa akin ng isang pabor. Patuloy pa rin ako sa pag-iling habang nililigpit ang mga gamit ko dito sa apartment naming dalawa. I'm moving in my new condo next week. Matagal ko din kasing pinag-ipunan 'yon! Isa pa, nahihiya na rin ako sa kaibigan ko dahil matagal na akong nakikitira sa bahay niya.     "Beks, I told you. I can't.” Sandali akong napahinto sa ginagawa upang harapin siya.     Nawala na ang poise niya dahil sa pagmamaktol. Sa totoo lang, kaya ko namang akuin ‘yong dapat niyang gagawin pero gusto ko namang bigyan ng “me” time ang sarili ko.     "Bes naman!" He stomped his feet dramatically.   I keep on shaking my head.   Bakit ba kasi niya ako pinipilit na pumunta sa event na sinasabi niya?   He is a freelance event's host and organizer especially in weddings and formal occasions. Kaya lang, nagkaroon ng problema sa isang event na inaayos niya kaya ako ang pinipilit niyang mag substitute sa wedding na dapat siya ang host. Bukas na kasi iyon at nagkataong kasabay ng appointment niya.     "I have work" pagdadahilan ko sa kanya.     He glared on me. I wanted to laugh with his reaction. He’s always like that.     "Liar! Naka-leave ka ng two days kasi nag-aayos ka ng condo mo. Kaya please, pumayag kana! Wala na kasi akong ibang mahanap na host sa event eh" pakiusap pa niya habang hawak ang braso ko.   I immediately removed my arm from him.    Baklang to! Eh ang hirap naman niyang tanggihan 'no? Saka sayang din pala, dagdag ipon ko na din 'yon!  Medyo naubusan din ako ng savings dahil sa unit na binili ko. Kailangan ko pa ng maraming raket.     "Okay!" I said, rolling my eyes.   Mir jumped happily then hugged me tightly.     "Yes! Thanks Bes! I know you can't resist me" he chuckled.   "By the way, I’ve already talked to the organizer. I said that you'll be my replacement tomorrow."maiksing paliwanag niya.   I just shrugged then continue fixing my things. Masyadong marami kasi matagal din akong tumira dito sa apartment niya. Bale nag-share na lang ako sa mga bills dahil fully paid na naman ang bahay.   We were friends for almost four years. Nakilala ko siya sa isang job application sa isang company noon. Nag-apply kami sa isang media and communication company. Kaya lang, ako yung natanggap at hindi siya.   Umiiyak kasi siya noon at halos gumawa na ng eksena after siyang mainterview. So, I dragged him out of the crowd then we talked. I comforted him.   He's handsome kaya lang pogi din ang gusto eh. Pero, he's not a girly type of gay. Hindi siya nagdadamit babae or kumikilos babae. He is a normal gay for me.   I am a field reporter before but now, I am a news editor and may sarili akong show sa isang radio station. They called me DJ Rem.   "I'll just send you the invitation and details of the wedding! Bye!" paalam ni Mir na nagmamadaling lumabas ng apartment.     I just waved my hand to him. Abala pa rin kasi ako sa pag-aayos ng mga gamit ko.     "Buhay pa pala 'to" sambit ko nang makita ang picture frame namin ni Mir.     That was four years ago. Bago pa lang kaming magkakilala that time at kasalukuyan na akong nagtatrabaho sa SBC Network.   Nasa isang bar kami ni Mir. Ito yung time na napapagkamalan pa siyang jowa ko dahil madalas kaming magkasama.   Pero hindi nila alam na ang mga lalaking nagpapacute sakin eh irereto ko lang kay Mir.   I just don't need guys as of now. Focus muna ako sa career ko ngayon. I am just 27 years old. Bata pa naman ako eh.   I just want to be with myself enjoy my accomplishments.   Single life is better, actually.   Wala kang ibang iisipin kungdi sarili mo lang.   Napailing na lang ako nang makita ang graduation picture ko noong college.   "Ang dugyot ko naman dito!" I laughed at my face.   Ang payat ko pala noon at sobrang haba ng hair ko na umabot na hanggang bewang.   Pero, mabilis kong itinabi ‘yon nang may mga alaalang nag-flashback sa utak ko.   Tinapos ko na rin ang pag-iimpake at nagdiretso sa kusina para makapagluto ng hapunan.   Siguradong gabi na naman makakauwi ang bakla. Marami kasi siyang ganap sa buhay. He’s starting another business so he seems out of reach right now.       "Rem, where are you!?"   Halos mabasag na ang eardrum ko sa lakas ng boses ni Mir sa kabilang linya.   Patakbo akong pumunta sa kotse at ini-start ang engine.     "On the way na. Wait lang!" sigaw ko.   "Rem, nagagalit na ang organizer. Kaloka ka! Ikaw ba ang ikakasal te? Palate ka eh" sarcastic niyang sabi.     Natigilan naman ako sa sinabi niya.     "W-what? Wedding ba 'yon?" gulat na sabi ko.   " Ay loka! Oo, hindi mo ba nabasa yung sinend ko sayong invitation at script nung event? Kaloka ka girl!" panenermon niya.     I sighed while holding the steering wheel. Mabilis na rin ang pagmamaneho ko dahil ilang oras pa ang iba-biyahe ko.   "Hindi ko na tiningnan eh. Yung location lang ang inalam ko kaya I asked you through text." sagot ko.   Nakalimutan kong basahin yung script and other wedding details kagabi. May time pa naman ako since hapon pa naman yung program. Eh umaga pa lang naman ngayon kaya hindi naman siguro ako maha-hassle sa preparation.   Ewan ko ba kung bakit sila nagmamadali eh mahaba pa naman ang time.   "Sige na! Baka malate kapa ha. Patay ako kay Sir Eyvan nito--"   I immediately stepped on the brake.   "F*ck! Anong sabi mo?!" sigaw ko na ikinaputol ng sasabihin niya.   "Ay, sabi ko, yari ako kay Sir Eyvan! Siya yung groom. Family friend kasi namin siya. Hindi nga ako makaka-attend ng ceremony eh. Pero hahabol nalang ako sa reception" sagot niya.   I was dumbfounded for a while. At this moment, I can even hear my heartbeats.   Wala akong pakialam kung nakahinto ang sasakyan ko sa gitna ng kalsada. Dumarami na rin ang busina sa likuran ko.   "Eyvan….what?" mahinang tanong ko habang bakas ng alinlangan ang boses.     Mabilis kong hinagilap ang folder na naglalaman ng invitation at script. Iniabot ni Mir sa akin ‘yon kagabi na hindi ko na naisipang buksan.   Tears pooled in my eyes when I realized that it was him. Today is his wedding with that woman.     Sila pa rin pala talaga.     "Eyvan Delos Reyes, why?" Mir asked from the other line.   I’ve felt like my hands trembled so I dropped off my phone the moment I heard those words.     "Hey! Rem? Are you still there?"     Nagsimula akong humikbi. Tinakpan ko din ang bibig gamit ang kamay upang hindi niya ako marinig sa kabilang linya.     How could it be?   Paano ako pupunta sa wedding na 'yon? And I am the host! F*ck that.     I pulled my hair due to frustration.     "Ugh! Anong gagawin ko?!" paghihimutok ko habang kagat ang aking mga daliri.   Gusto ko na lang iumpog ang ulo sa manibela dahil sa sitwasyon ko.   How ironic! Bakit kasi hindi ko binasa yung details ng wedding?   God! Kung pwede lang maglaho na lang ako ng parang bula ngayon.   I took a deep breath as I started the engine again to go to his wedding location.   It may be painful to accept the fact that I am the host…in my ex’s wedding.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD