Chapter 1
Disclaimer
No part of this book may be reprinted reproduced or utilized in any form or by any electronic, mechanical, or other means now known or hereafter invented, including photocopying and recording or any information storage or retrieval system without the author's permission.
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
_____________________________________________
Nik's point of view
Huling lamay ngayon ng aming mga magulang, sobrang sakit dahil sabay pa sila talagang nawala. I love them so much, niyakap nila ang buong pagkatao ko na walang halong panghuhusga at higit sa lahat ay tinanggap nila ang girlfriend ko.
"Babe, tayo nalang ang naiwan dito. Umuwi na tayo."
Pinunasan ko ang aking luha at umakbay sa aking kasintahan, last month lang niya ako sinagot pero eto ang kasiyahan ko ay napuno ng kalungkutan.
"Nasaan si Ate?" Tanong ko na hindi ko na napansin ang pag-alis nito at hindi man lang nagpa-alam.
"Kanina pa umalis, mainit daw kaya ayun nauna na. Alam mo naman ang Ate mo alaga ang balat niya.
"Paalam Ma, Pa." Bibisitahin ko kayo lagi." Mahinang sambit ko at umalis na kami.
Ang kasintahan ko na ang nag hatid sa akin sa bahay.
"Thanks Love." Sabay hinalikan ko ang kanyang labi.
"Gusto kong samahan kita sa bahay ninyo pero, kanina pa tumatawag si Daddy."
"Naintindihan ko babe." Malungkot na sagot ko dahil ayaw ng mga magulang niya sa akin. Wala naman daw akong TT paano ko sila mabigyan ng apo. Nag-iisa lang nilang anak ang kasintahan ko kaya hindi nila tanggap ang aming relasyon.
Lumabas na ako sa kanyang sasakyan at pumasok na ako sa loob ng bahay. Nadatnan ko si Ate na naka-upo sa sofa habang umiinom ng malamig na tubig.
Tumabi ako sa kanya at hinubad ko ang aking makapal na Jacket.
"Ano ka ba naman Nikki mabuti at hindi ka na over heat sa suot mo. Ang init-init naka Jacket ka pa!" Masungit na sambit niya.
"Sanay ako sa ganitong damit Ate." Sagot ko nalang para hindi na naman kami mag-away.
"Bakit ang init ng ulo mo? kalilibing lang ng mga magulang natin ang sungit-sungit mo."
"Sinong hindi maiinis, balita sa TV ang pagda date nina Bullet at Thalia sa isang sikat na restaurant."
Napahinga nalang ako ng malalim, maraming larawan si Bullet sa kwarto ni Ate kaya din siya nag modelo para mapansin din siya ni Bullet dahil puro modelo ang mga ex nito. Sumakit ang ulo ko na kasama si Ate sa sala kaya nagpa-alam na ako na pupunta sa aking kwarto.
"Bukas pupunta dito ang Family Lawyer natin, huwag kang aalis dahil babasahin niya ang last will ng ating mga magulang."
"Sige Ate." Walang buhay na sagot ko at umakyat na ako papunta sa aking kwarto.
May mga negosyo sina Papa at Mama sigurado naman ako na kay Ate ipapamahala lahat dahil bukod sa 18 palang ako ay criminology ang gusto kong kunin na kurso.
Nakatapos na si Ate ng Business Management kaya mas maganda na rin kung siya ang hahawak ng mga naiwan ng aming mga magulang. Kinabukasan ay late na akong nagising.
"Nikki! dinig ko na boses ni Ate mula sa pintuan.
Kinuha ko ang aking malaking t-shirt at agad na isinuot. Pagbukas ko ay ang dami ko agad na tanggap na sermon. Kung pwede lang ay Takpan ko ang aking mga tenga sa ingay niya.
"Kanina pa kami naghihintay saiyo! kung hindi na kita kinatok ay hindi ka na babangon!"
"Tayo na ate." sabay hinila ko na siya papunta sa opisina ni Papa.
"Hindi ka man lang ba maligo?"
"No need." Sagot ko at pumasok na kami sa library.
"Hindi ka man lang nag toothbrush!"
"Ate mabango naman ang hininga ko." Sabay binugahan ko siya at agad na tinakpan ang ilong.
Naiiling nalang ang abogado ng aming mga magulang na nanunuod pala sa amin.Umupo na kami at agad nang binasa ang last will.
"Ang lahat ng mga negosyo ay equally divided sa inyong dalawa. Si Kriselda na muna ang mamahala habang hindi pa tapos sa pag-aaral si Nikki."
"Attorney paano yan kailangan kong pumunta sa ibang bansa, hindi ko na muna mahaharap ang mga negosyo namin?"
"Makinig na muna kayo hindi pa ako tapos." Seryosong sagot ng Attorney. Kaya natawa ako dahil sa wakas na semplang din ang kapatid ko.
"Ikaw Kriselda ay naipagkasundo na pakasalan mo ang apo ng kaibigan ng iyong Lolo. Ayun dito ay may malubha siyang sakit at nangangailangan din ng pera para matustusan ang pagpapagamot niya."
"What the f*ck! no way!" sigaw ng kapatid ko na napatayo pa.
"He is dying." sabay may pinakita na larawan si Atty. kay Ate. Hindi na ako nag-abala pa na tignan ito. Mabuti nalang pala at hindi ako ang panganay.
"No no no! hindi ko papakasalan ang pangit na yan. Ikaw ang magpapakasal sa kanya." Sabay turo niya sa akin.
"Ate ikaw ang sinabihan hindi ako. Isa pa may girlfriend na ako."
"Nikki pumayag ka na, ilang buwan lang ay mamatay din siya, may pangarap ako at iyon ang maging sikat na modelo."
"Ate, ikaw na rin ang nagsabi na mamatay na bakit hindi ikaw nalang ang pakasal?"
"Hindi nga pwede, next month na ako pupunta sa new York at isang taon ako doon. Isa pa si Bullet Valdemor ang gusto kong mapangasawa hindi ang pangit na iyon! Para ito sa mga magulang natin na wala na. Lahat ng gusto mo sinunod nila noong buhay pa sila. Tumanaw ka din ng utang na loob hindi puro gusto mo lang! Ako kahit na hindi ko gusto ang kursong pinakuha nila ay tinapos ko parin. Now it's your turn." Panunumbat ni Ate at napahinga ako ng malalim.
"Fine tatlong buwan lang naman, sige papakasal ako sa kanya." Walang kabuhay-buhay na sagot ko.
"Here, pirmahan mo na nag marriage certificate ninyo at sa susunod na buwan ay maninirahan ka sa bahay nila para alagaan siya."
"Ano bang sakit niya Attorney?" Tanong ko na pumirma na at hindi na nag-abala pa na basahin ito.
"Yan ang hindi ko din alam." Sagot naman niya.
Maaliwalas na ang mukha ni Ate ng napirmahan ko ang Marriage certificate.
"Thank you Nikki, don't worry after 3 months ay pwede nang mag sleep over dito ang girlfriend mo."
Napangiti naman ako sa sinabi ni Ate dahil siya lang naman ang tutol sa relasyon namin ng Girlfriend ko.
"Siya nga pala kung hindi mo pa mahaharap ang mga negosyo ninyo ay ang kapatid na muna ng Papa ninyo ang hahawak sa mga negosyo ng inyong pamilya. Pero ang mga importanteng transakyom ay nasa iyo parin ang desisyon Kriselda." Sabi ni Attorney na inililigpit na ang mga documento.
"Okay Attorney, kakausapin ko nalang si Tito." Masayang sagot na ng kapatid ko.
"Ang bunsong kapatid ni Daddy ay mas matanda lang ng limang taon kay Ate. She is 24 now kaya 29 na si Tito.
Naging okay na ang lahat kaya bumalik ako ulit sa aking kwarto at humiga sa aking kama. Kawawa naman yung tao kung mamatay na, isipin ko nalang na kuya ko siya para maalagaan ko siya ng husto. Hindi bale tatlong buwan lang naman.
Napahilot ako sa aking ulo dahil kagabi ay tumakas ako at napainom. Kahit wine lang ay nakakasakit din pala ng ulo. Nakipagkita ako sa akin kaibigan sa club para pag-usapan namin kung paano ko itanan ang aking kasintahan pero paano ko pa siya itatanan ngayon?