Kriselda's point of view Nasa kahimbingan ako ng tulog ng maramdaman kong may magaspang na kamay ang humaplos sa aking hita. Agad kong iminulat ang aking mga mata at halos masuka ako nang maamoy ko ang lalaking humahaplos sa aking hita. "Baby, tulong!" Unang sigaw ko na pinag tatadyakan ang lalaki. "Huwag ka nang pumalag pa, maging akin ka din sa ayaw at gusto mo." Sabi niya na hinuli ang aking paa. Nang wala akong makapa sa tabi ko ay mga kamay ko naman ang aking ginamit, kinalmot ko ang kanyang mukha at nag sisigaw ako. Nabitawan niya ang aking paa kaya mabilis akong naka alis sa kama. "Titoooooo!" Malakas na sigaw ko at lumabas si Tito sa kanyang kwarto. "Anong nangyari?" Agad na tanong niya. "May gustong gumahasa sa akin." Umiiyak na tanong ko at saktong lumabas ang lalaki sa

