Blythe's point of view Biglaan na lang na umalis ang isang Ate sa bahay na hindi namin alam ang dahilan. Nakita namin sa CCTV na nagtapon lang siya ng basura at ayon sa guards ay may naka motor na kinausap siya sa labas at bigla nalang umangkas. Kaya ang alam namin ay nakipagtanan na ito. Sinabi ko kay Daddy at agad siyang tumawag sa agency na magpadala ng isang kasama sa bahay. Ngayon umaga ang dating niya kaya medyo nagising ako ng maaga para makilala siya. Pagkatapos kong naligo ay pumunta na agad ako sa kusina. "Ate dumating na ba yung bago natin kasama sa bahay?" "Ay oo, inaayos ang kanyang mga gamit. Mamaya lalabas na rin, ang Aga mong nagising Blythe. " "Gusto ko siyang makilala Ate at gutom na rin ako eh." "O sige, anong oras ang klase mo ngayon?" "Als otso Ate, pero tumawag

