Nik's point of view Nagising akong wala na akong katabi, ngayon lang ata maaga nagising ang kapatid ko. Dati-dati ay pinipilit ko pa siyang magising, bumagon na rin ako at pinatay ang aking alarm. Mabilis akong naligo at bumaba na nadatnan ko si Bubbles na nagkakape. Mana siya kay Daddy na mahilig sa kami habang kani ni Blythe ay juice. Hinatak ko na ng medyo papalayo ang upuan ng aking kapatid para umupo na lang siya. Pagdating niya ay hindi man lang siya bumati sa amin at hindi siya tumabi sa akin. Baka wala ito sa mood kaya binalewala ko nalang. Kahit sa sasakyan ay hindi siya tumabi sa akin hanggang sa lunch namin ay hindi niya kami pinansin ni Bubbles. "Anong nangyari doon bro? Nag-away ba kayo kagabi? I know pumunta siya sa kwarto mo?"Sunod-sunod na tanong ni Bubbles. "I was on m

