“W-What? Schoolmate ko siya?” Mababakas sa mukha ni Alren ang hindi pagkapaniwala habang nakasunod ang tingin sa binatang naglalakad sa direksyon na taliwas sa kung nasaan siya nakatayo. Nakatayo siya sa kabilang pathway habang naglalakad naman ang binatang hindi na naalis sa utak niya sa kabila. Hindi inaasahan ni Alren na muli niyang makikita ang binata na nakita niya sa arcade area ng mall. Hindi niya akalaing parehas sila ng school na pinapasukan dahil kahit minsan ay hindi naman nagtagpo ang kanilang mga landas sa school. Sa sobrang lawak at laki ng school nila ay hindi din naman talaga imposible na hindi sila magtagpo. Ramdam ni Alren ang pagkabog ng dibdib niya habang nakasunod ang tingin sa matangkad na binatang hindi niya kilala. Pamaya-maya ay napailing-iling siya. “Ano bang n

