CHAPTER 59

1059 Words

Mag-isang naglalakad sa hallway si Rim. Pabalik na siya sa kanyang opisina. Galing siya sa cafeteria at doon kumain. Wala pang isang minuto ay nagulat na lang si Rim nang biglang may humawak sa kanyang kanang kamay. Napatingin siya sa gumawa nito at nakita niya si Divina/Ashley na matamis ang ngiti habang nakatingin sa kanya. “Hi,” nangingiting pagbati ni Ashley kay Rim at mas hinigpitan pa ang paghawak sa kamay nito. “Kumain ka na?” tanong pa niya. Hindi nagawang gantihan ni Rim ng ngiti si Divina/Ashley at sagutin ang tanong nito. Bumaba ang tingin niya. Tiningnan niya ang magkahawak nilang kamay ni Divina/Ashley. “Na-miss kita,” pabebeng bulong ni Ashley kay Rim. “Ilang araw din tayong hindi nakapagsolo,” aniya pa. “Ikaw ba? Na-miss mo ba ako?” nangingiting tanong niya pa kay Rim.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD