Paulit-ulit na sinusulyapan ni Rim ang suot niyang wrist watch para i-check kung anong oras na. Hinihintay niya si Divina/Ashley sa loob ng restaurant kung saan ito ang tinext sa kanya na lugar kung saan sila magkikita. Nasa dulong bahagi ng restaurant ang lamesa na pandalawahan. Habang naghihintay ay napapaisip si Rim. Huminga siya ng malalim. Alam niyang mali ang ginagawa niyang ito. Naturingan siyang may asawa ngunit mistulang hindi niya iyon naiisip kapag kaharap na si Divina/Ashley. Hindi maintindihan ni Rim sa kanyang sarili kung bakit mistulang nagiging sunod-sunuran siya kapag si Divina/Ashley na ang nagbitaw ng mga salita. Alam niyang mali at alam niyang may masasaktan sa oras na may makaalam nito pero para sa kanya, kapag magkasama sila ay nagiging tama lamang ang lahat at wal

