CHAPTER 104

1330 Words

“Siya ang nagplano at nag-utos na ipasunog ang bahay natin. Si Sasha ang gumawa ng lahat ng ‘yon. Siya ang nagtangka sa buhay mo,” ani Rim kay Ashley habang nakatitig siya sa mga mata nito. Hindi nagsalita si Ashley. Nakatitig lang siya kay Rim na tila isang batang nagsusumbong sa kanyang nanay sa ginawa ng kalaro nito sa kanya. Hindi niya akalaing magiging ganito si Rim sa harapan niya. Hindi siya makapaniwala na ang dali nitong sabihin sa kanya ang totoo. “Ashley,” pagtawag ni Rim kay Ashley na sa tingin niya ay natulala na dahil sa mga sinabi niya. Nagbaba nang tingin si Ashley. Huminga siya ng malalim. Ilang sandali lang ay tiningnan niya ulit si Rim. Nawalan ng emosyon ang kanyang mukha. “Alam mo ang lahat,” madiin na salita ni Ashley na ikinalaki ng mga mata ni Rim. “Alam mo ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD