“Are you sure you will meet him?” pagtatanong ni Oslo kay Ashley. Nasa park silang dalawa at magkatabing nakaupo sa isang bench na gawa sa bato. Tumango-tango si Ashley habang nakatingin ang mga mata niya sa malayo. Nararamdaman niya ang pagtingin sa kanya ni Oslo. Umiwas nang tingin si Oslo mula kay Ashley. Tumingin din siya sa malayo. Huminga siya ng malalim. “Baka kung anong gawin niya sa’yo lalo na at niloko mo siya,” ani Oslo sa nag-aalalang tono. Muli niyang tiningnan si Ashley. “Sasama ako sa’yo,” dugtong pa niya. Inalis ni Ashley ang tingin niya sa malayo saka tinapunan nang tingin si Oslo. Ngumiti siya ng maliit. “Hindi na kailangan,” pagtanggi niya sa alok ni Oslo. “Wala naman siguro siyang gagawin sa aking hindi maganda. Isa pa, kaya ko naman ang sarili ko,” aniya pa habang

