Hindi na muna umalis sa Palawan sina Ashley at Oslo at ipinagpatuloy ang kanilang bakasyon. Pumunta sila sa Coron Island at parehas na ine-enjoy ang magandang tanawin ng lugar. Manghang-mangha si Ashley sa linaw ng tubig na nakikita niya. Nasa bangka pa lang sila ay nakikita na niya ang ilalim ng dagat sa sobrang linaw ng tubig. Tipid namang napapangiti lang si Oslo habang pinagmamasdan ang pagkamangha ni Ashley. Nag-scuba driving din silang dalawa. Sa ilalim ng dagat ay nakita rin nila ng malinaw ang mga coral reefs, mga iba’t-ibang uri ng isda at lamang-dagat. Kinawayan pa ni Ashley ang mga lamang-dagat na ikinangiti na lang at bahagyang ikinailing pa ni Oslo. Pagkatapos nilang malibot ang Coron Island ay nagpunta naman sina Ashley at Oslo sa Taranaban River. Balewala kay Ashley ang p

