CHAPTER 47

1862 Words

Nakaupo si Rim sa gilid ng kama habang pinagmamasdan niya ang nakaupo rin na si Sasha na nagtitiklop ng damit sa ibabaw ng kama. Ito ang mga damit nila na inalis niya muna sa maleta para ayusin. Napapansin ni Rim na hindi maipinta ang mukha ng kanyang misis, bagay na kanyang ipinagtataka. “Babe?” pagtawag ni Rim kay Sasha. “May problema ba?” pagtatanong niya pa. Napahinto sa ginagawa ni Sasha. Tumaas ang kanang kilay niya saka nag-angat ng mukha. Nakataas ang kanyang kilay na tiningnan niya si Rim. “May problema ako,” sagot ni Sasha sa nagtataray na tono. Kumunot ang noo ni Rim. “Ano?” tanong niya. Umangat ang kanang sulok ng labi ni Sasha. Tiningnan niya ng matiim si Rim. “Hindi ano kundi sino,” aniya. Nagsasalubong ang magkabilang-dulo ng kilay ni Rim. Lalo siyang nagtaka. Inira

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD