Abala si Ashley sa pagtatampisaw sa hindi kalayuan habang naglalandian naman habang nakatayo sa mababaw na bahagi ng dagat sina Rim at Sasha. Panay ang hampas sa tubig ni Sasha habang natatawa naman sa kanya si Rim. Maya-maya pa ay yayakapin ni Rim si Sasha sa baywang at pupugpugin nito ng halik ang leeg ng kanyang misis na nakikiliti at natatawa naman sa ginagawa niya. “Ano ba, babe?! Nakikiliti ang leeg ko sa’yo! Hahahahaha!!!” Nakaupo naman si Oslo sa buhangin. Naka-diretso ang mga binti niya. Nakatingin lang siya sa tatlong nasa dagat. Maya-maya ay tumayo sa tubig si Ashley. Nasa mababaw na parte lang siya. Tiningnan niya sina Rim at Sasha. Sumibangot siya. ‘Napakalalandi talagang nilalang,’ sa isip-isip ni Ashley. Nakaramdam siya ng pagkabwisit sa nakikita niya. Umangat naman ang

