Ngiting-ngiti si Ashley habang papasok siya sa hotel room na tinutuluyan nila ni Oslo. Nakaupo naman ng pa-dekwatro si Oslo sa recliner chair at tinitingnan si Ashley habang sinasarado nito ang pintuan. Pagkasarado ng pintuan ay tumingin si Ashley sa gawi ni Oslo. Napansin niyang walang emosyon ang mukha nito ngunit wala naman siyang pakiealam doon dahil nasanay na siya sa mukha nito. Ningitian niya ito saka nilapitan si Oslo. Tumayo si Ashley sa harapan ni Oslo na diretso ang tingin sa kanya. Muling ngumiti si Ashley. Halata sa pagkinang ng mga mata niya at mukha ang nararamdaman niyang tuwa. Bago pa siya bumalik sa kwarto nila ni Oslo ay nag-ayos na siya ng sarili sa banyo sa labas kaya maayos ang itsura niya. “Masaya ka yata.” Sa wakas ay nagsalita na si Oslo ngunit mas malamig pa sa

