Nakatayo ng tuwid si Oslo sa gitna ng kwarto. Nakahalukipkip sa harapan ng kanyang dibdib ang kanyang mga braso habang tahimik lang siyang tinitingnan ang mga maletang hinanda ni Ashley. “Bakit ganyan ka makatingin?” pagtatanong ni Ashley kay Oslo na nakakunot ang noo habang tinitingnan nang nagtataka si Oslo. Nakatayo siya sa tabi ng dalawang malaking maleta. Tiningnan ni Oslo si Ashley. Walang emosyon ang mukha niya. “Maglalayas ka na ba at hindi na babalik?” tanong niya. “Ha?” nagtatakang tanong ni Ashley. “Bakit mo naman nasabi ‘yan?” tanong niya pa. Umangat ng kaunti ang kanang sulok ng labi ni Oslo. “Tinatanong mo pa talaga?” tanong niya. Lalo namang kumunot ang noo ni Ashley. Umismid naman si Oslo. “Marami ka kasing dalang gamit,” aniya. “Parang pupunta ka na sa ibang bansa a

