Naglalakad sa arrival area ng Puerto Prinsesa International Airport sina Ashley at Oslo. Nakasukbit sa balikat ni Oslo ang bagpack na dala niya habang hila-hila naman ni Ashley ang malaking maleta niya na kulay pula. Isa na lang ang dinala nito dahil hindi nito kayang dalhin ang dalawa kaya pinagkasya na lang niya ang mga damit at gamit niya sa iisang maleta. Nililibot nang tingin ni Ashley ang paligid ng airport habang sa harapan lang ang tingin ni Oslo. Bakas sa mukha ni Ashley ang nararamdamang paghanga sa ganda ng airport. “Infairness, airport pa lang, panlaban na ang ganda. What more pa ang mga lugar dito, ‘di ba?” tanong ni Ashley. Tiningnan ni Oslo si Ashley na sinasabayan niyang maglakad. “Huwag mong ipahalata na first timer ka,” aniya. Nakikita niya ang labis na paghanga sa muk

