Nakaupo sa kanang gilid ng malaking kama si Ashley. Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng kwarto. Nakatingin ang mga mata niya sa kawalan. Hanggang ngayon ay naiisip niya ang mga nangyari sa pagitan nila ni Rim at pati na rin kay Sasha. Hindi akalain ni Ashley na mapapadali ang lahat na muli niyang makita ang mga ito. Hindi pa man siya gumagawa ng hakbang para mapalapit sa buhay ng mga ito ngunit sa tingin niya ay mukhang tadhana na mismo ang siyang gumagawa ng paraan para magkalapit ang mga buhay nila ngayon. Huminga nang malalim si Ashley. Ngayon ay nag-iisip na siya ng mga paraan para mas lalong mapalapit sa mga ito, lalo na kay Rim. Malaking bahagi ng plano niya ay kasama ito at siya pwedeng magkamali. Kailangang maging ayon sa kanya ang lahat. Naputol ang pag-iisip ni Ashley nang

