Napapangiti ang labi ni Ashley habang ningunguya ang fried chicken na nasa loob ng kanyang bibig. Kasabay niyang kumakain si Oslo na nasa harapan niya at napapatingin sa kanya. Nakakunot ang noo niya habang pinagmamasdan si Ashley. “Why are you smiling?” nagtatakang tanong ni Oslo. “May nangyari bang maganda sa’yo?” tanong pa niya. Tiningnan ni Ashley si Oslo. Nilunok niya ang kanyang ninguya saka ningitian niya ito ng matamis at tinango ng dalawang beses ang ulo. “Masaya ako kasi unti-unti na kaming nagkakalapit ni Rim,” sagot ni Ashley sa tanong ni Oslo. “Siguro ilang tumbling pa ay mapapaikot ko na siya sa palad ko at magagawa ko na ng madali ang mga plano natin,” aniya pa sa nagmamalaking tono. “Sabi ko naman sayo, magaling akong mang-akit,” pagyayabang niya pa. Umangat ang kanang

