Nasa rooftop ng building si Ashley. Mag-isa lang siya na pinagmamasdan ang maaliwalas na kalangitan habang nakatayo malapit sa harang sa gilid na gawa sa makapal na glass. Dama niya ang malamig na simoy ng hangin na kalmadong umiihip sa paligid. Nagpapahinga muna si Ashley dahil sa nakaramdam siya ng pagod sa ginagawang trabaho. Gustong-gusto niya na pagmasdan ang kalangitan lalo na kung maaliwalas ito dahil kahit papaano’y gumagaan ang pakiramdam niya. Maya-maya ay napabuntong-hininga si Ashley. “Mabuti pa ang kalangitan, maaliwalas samantalang ang buhay ko…” Hindi na lang niya tinuloy ang sinasabi niya. Nagbuntong-hininga na lang ulit siya. Minsan ay nakakaramdam din siya ng awa sa kanyang sarili kung bakit ganito ang buhay niya. Samantala, papunta rin si Rim dito sa rooftop. Nang mak

