CHAPTER 35

1241 Words

“Mukhang masyado mong tinututukan ang pagluluto mo. Dinalhan mo ulit ako ng lunch,” ani Rim saka tiningnan si Sasha na nakaupo sa upuan na nasa kabilang side at kaharap niya. Nakapatong sa ibabaw ng lamesa na nasa gitna nila ang dalawang lunch box na naglalaman ng mga niluto ni Sasha. Ningitian ni Sasha si Rim saka niya tinango ang kanyang ulo. “Yup! Tama ka diyan!” pagmamalaki niya sa maarteng tono. “Nag-aaral ako ng maigi para maipagluto kita ng masarap. Alam mo na, the way to a man’s heart is through his stomach,” nangingiting sabi niya pa. Tumango-tango si Rim. Sumilay ang ngiti sa labi niya. “Thanks,” pasasalamat niya sa asawa. Mas lalo namang napangiti ang labi ni Sasha. “My pleasure,” aniya. “Gusto kong alagaan at palagi kitang ipagluto ng masarap para hindi ka na maghanap ng iba

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD