Nanlalaki ang mga mata ni Ashley habang nililibot ng tingin niya ang lugar na pinagdalhan sa kanya ni Oslo. Hindi siya makapaniwalang may nage-exist na ganito kagandang lugar. Hindi sapat na isalarawan na maganda lang ang lugar na ito dahil isa itong paraiso sa paningin niya. Iba’t-ibang klase ng halaman at mga bulaklak ang makikita sa lugar na ito. Tumatagos sa mga nakalambitin na luntiang baging sa itaas ang liwanag na nanggagaling sa sinag ng araw. Napakapresko pa ng hangin na kay sarap langhapin. “Maganda ba?” pagtatanong ni Oslo kay Ashley. Napapansin niya ang matinding pagkamangha nito sa nakikita. Nilingon ni Ashley si Oslo. “Nandito pa rin naman tayo sa building mo, ‘di ba?” tanong niya. Tinango-tango ni Oslo ang ulo niya. “Hindi naman tayo lumabas,” sagot niya. Hindi makapan

