Sumalubong sa pagpasok ni Rim ang kadiliman pagkabukas niya ng pintuan ng condo unit. Kumunot ang kanyang noo habang tuloy-tuloy na pumasok sa loob. “Walang tao?” Walang nakabukas na ilaw kahit isa. “Wala ba siya?” tanong pa ni Rim sa hangin. Huminto sa paglalakad si Rim. Kinapa niya ang gilid ng pader hanggang sa makapa niya ang switch. Pinindot niya ito saka kumalat ang liwanag sa loob dahil sa pagbukas niya ng ilaw. Nilibot nang tingin ni Rim ang loob ng unit. Kapansin-pansin na walang bakas ni Sasha sa loob. Maayos ang lahat at nakakabingi ang katahimikan. “Umalis ba siya?” tanong ni Rim. “Saan siya nagpunta?” sunod niya pang tanong. Kumibit-balikat si Rim. “Ano bang pakiealam ko?” walang gana na wika niya. Isinara na lang ulit ni Rim ang pintuan at tinungo na lamang niya ang kwa

