Dahan-dahan na idinilat ni Rim ang kanyang mga mata. Sumalubong sa kanyang naniningkit na mga tingin ang kisame ng kwarto. Sumilay ang maliit na ngiti sa kanyang labi dahil ang gaan ng pakiramdam niya dulot ng masarap na tulog niya. “Good morning, Babe.” Nilingon ni Rim si Sasha na naalala niyang katabi niya sa kama. Nawala ang ngiti sa labi niya at nawalan din ng emosyon ang mukha niya. Malamlam lang siyang nakatingin sa kanyang misis. “Kumusta ang tulog mo?” pagtatanong ni Sasha kay Rim saka ningitian niya pa ito ng matamis. “Masarap ba?” may halong landi na tanong niya pa sa kanyang mister. Iniwas ni Rim ang tingin niya kay Sasha. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. “Ayos lang,” nanlalamig na sagot niya. Hindi naman nawawala ang ngiti sa labi ni Sasha. Masaya pa rin siya kahit na n

