“Pare, congrats nga pala sa kasal mo. Pasensya ka na at hindi ako nakapunta. Alam mo naman na ang daming utos ni Boss sa’kin at karamihan pa ay sa field,” ani James, katrabaho ni Rim at isa ring electrical engineer. Kasama niya ito sa pantry ngayon. Sabay silang nag-breaktime. Ngumiti naman si Rim. “Salamat sa pagbati, pare. Saka okay lang kung hindi ka nakapunta, naiintindihan ko naman,” sagot niya. “Kumusta naman ang bagong kasal? Ang honeymoon? Okay ba?” nangingiting tanong pa ni James saka tumawa. Natawa din si Rim. “Okay na okay,” nangingiting sagot na lang niya. “Mabuti nga at nakatagpo ka na ng mapapangasawa. Mahirap din kayang mawalan ng asawa ng maaga dahil siguradong malulubog ka sa labis na lungkot dahil sa pangungulila sa kanya,” wika ni James. Ngumiti nang maliit si Rim.

