Nasa loob na ng mansyon si Oslo. Nakauwi na siya galing sa trabaho. Magkaharap sila na nakaupo ni Ashley sa mga upuan na nakapwesto sa magkabilang side ng mahabang dining table kung saan nakahilerang nakahain doon ang mga pagkaing inihanda para sa kanilang hapunan. Maya-maya ay tiningnan ni Oslo si Ashley na dahan-dahang kumakain. “Gusto mo bang makita ang anak mo?” pagtatanong niya na ikinatigil sa pagkain at mabilis na ikinatingin sa kanya ni Ashley. “Ano?” tanong ni Ashley. “Papayagan mo ako?” aniya Tinango ni Oslo ang ulo niya. “Siguradong nami-miss mo na siya,” aniya. “Kaya naisip kong dapat mo siyang makita kahit sa malayo lang,” dugtong niya pa. Nangilid ang luha sa mga mata ni Ashley. “T-Tama ka… miss na miss ko na nga ang anak ko,” aniya. Bahagyang tinango ni Oslo ang ulo niy

