Nakaharap sa malaking salamin si Ashley. Walang emosyon ang kanyang mga mata na nakatingin doon. Kasing-dilim ng awrang mababanaag sa kanya ang suot niyang damit. Nakasuot siya ng itim mula sa sumbrerong suot niya sa ulo hanggang sa rubber shoes na suot naman ng kanyang mga paa. Nakasuot siya ng itim na t-shirt na pinatungan ng itim na leather jacket na pambabae. Fit naman sa hita at binti niya ang suot na black pants. Nakasuot din siya ng itim na shades para hindi makita ng iba ang kanyang mga mata. Narinig ni Ashley ang pagbukas at pagsara ng pintuan. Nananatili lang siyang nakatayo sa harapan ng malaking salamin sa loob ng kwarto. Tiningnan ni Oslo si Ashley. Nakasuot ito ng itim na long-sleeve polo na naka-tuck in sa itim na slack pants nito. Kulay itim din ang suot niyang sintron at

