Nakakunot ang noo ni Ashley habang tinitingnan ang inaabot sa kanya ni Oslo na hawak ng kaliwang kamay nito. Isa iyong parisukat na kahon na kulay itim at makintab. Magkaharap na nakatayo ang dalawa sa harapan ng malaking bintana na nasa dulo ng hallway. “Kunin mo na,” ani Oslo kay Ashley. Walang emosyon ang mukha niya. Tiningnan ulit ni Ashley ang mukha ni Oslo. Kinunutan niya ito ng noo. “Ano ba kasi ‘yan?” tanong niya. “Wedding ring,” diretsahang sagot ni Oslo na ikinalaki ng mga mata ni Ashley. “Ano?” tanong ni Ashley sa hindi makapaniwalang tono. “Mag-asawa tayo pero wala tayong wedding ring. Ayokong magtaka ang ibang tao kaya kailangan mong suotin ito,” ani Oslo. Ipinakita niya ang kanang kamay niya na may suot na singsing sa palangsingang daliri niya. Tiningnan ni Ashley ang

