“Good morning, Ma’am. How may I help you?” pagbati ng magandang receptionist kay Sasha saka ito ngumiti. “Saan ko ba pwedeng puntahan si Rim Rodriguez? May dala kasi akong lunch para sa kanya.” Ningingitian ni Sasha ang receptionist na nakapwesto sa front desk ng company building na pinasukan niya. “Pwede ko po bang malaman kung sino kayo, Ma’am?” magalang na tanong nito. “I’m Sasha… Sasha Rodriguez. I’m his one and only wife,” sagot naman ni Sasha na may bahid pa ng pagmamalaki. “Ah, ganun po ba? Uhm sige po at puntahan niyo na lang po siya sa eight floor. Doon po ang opisina nila,” sagot ng receptionist kay Sasha. Ningitian ni Sasha si Vivian, ang pangalan ng receptionist na nabasa niya sa nakakabit nitong name plate. “Thanks,” pasasalamat niya. “It’s my pleasure to serve you, Ma’a

