Patuloy sa paglalakad si Oslo. Nakasuot siya ng hiking outfit at may dala din siyang bagpack na naglalaman ng mga gamit niya sa pagha-hiking. Nililibot niya ang kanyang tingin sa luntiang paligid. Ilang oras nang naglalakad si Oslo ngunit hindi niya ramdam ang pagod sa mga binti at paa niya. Gustong-gusto niya ang preskong simoy ng sariwang hangin na nagpapagaan sa kanyang pakiramdam. Bukod sa napakaganda ng hangin sa paligid, napakaganda rin ng paligid na nakikita niya. Minsan lang siyang makakita ng ganito kaya sinusulit niya ang bawat pag-akyat niya. Lumipas pa ang halos isang oras ay narating niya ang tuktok. Huminto siya sa paglalakad at nilibot nang tingin ang paligid. Sumilay ang magandang ngiti sa kanyang labi habang pinagmamasdan ang kulay berdeng paligid. Kitang-kita niya mul

