“Ma’am, hindi niyo na po kailangang tumulong sa amin. Kaya na po namin ito,” pagpigil ni Mary kay Ashley na kumuha ng kutsilyo para tulungan silang maghiwa ng mga rekados sa ulam na lulutuin nila. Nasa kusina sila at kasalukuyang naghahanda ng mga pagkain para sa tanghalian. Tiningnan ni Ashley si Mary. Ningitian niya ito. “Pero gusto kong tumulong,” aniya. “Wala kasi akong magawa dito sa bahay,” saad pa niya. “Huwag kang mag-alala dahil masarap akong magluto,” pagmamalaki niya pa saka mas lalong ngumiti. “Pero Ma’am-” “Sige na at hayaan mo na lang akong tulungan kayo dito,” mabilis na salita pa ni Ashley habang nagtataas-baba ang mga kilay niya. Hindi nakapagsalita si Mary. Napabuga siya ng hininga. Natatawa naman ng walang boses si Trixie na nasa kabilang side ng mahabang lamesa sa k

