Nakatitig sa kisame ng kwarto si Ashley habang nakatihaya sa paghiga sa kama. Hindi siya makatulog dahil katabi niya sa iisang kama si Oslo na nakatitig din sa kisame. Katulad niya ay hindi din ito makatulog. Tig-isa sila ng kumot na nakabalot hanggang sa mga baywang nila. “Kailangan ba talaga nating magtabi sa iisang kama?” tanong ni Ashley kay Oslo nang hindi ito tinitingnan. Malaki naman ang kama kaya may pagitan pa rin sa kanila pero may bahagi sa kanya na hindi pa rin komportable. “Asawa kita, ‘di ba?” balik-tanong ni Oslo. “Nagpapanggap lang naman ako,” bulong ni Ashley. “At least asawa pa rin kita,” ani Oslo na narinig ang binulong ni Ashley. “Kahit nagpapanggap ka lang,” bulong niya pa habang nananatili ang pagtitig sa kisame. Tiningnan ni Ashley si Oslo. Nakita niyang nakatit

