CHAPTER 18

2413 Words

Napapangiti ang labi ni Sasha habang nakaupo sa upuan na nasa harapan naman ng vanity mirror na nasa loob ng kanilang kwarto. Nag-aayos siya ng kanyang buhok. Nakaupo naman si Rim sa gilid ng kama at nakatingin ng diretso sa kanya. “May balita na ba sa pagpapahanap mo kay Ashley?” pagtatanong ni Rim kay Sasha na napatigil naman sa pag-aayos at tiningnan siya sa salamin. Nawala ang ngiti nito sa labi. Tumaas ang kanang kilay ni Sasha. “Wala. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nahahanap,” sagot niya sa tanong ni Rim. “Baka naman hindi talaga sila naghahanap. Nagsasayang ka lang ng perang binabayad mo sa kanila,” seryosong wika ni Rim. Muling tiningnan ni Sasha ang sarili. Nagpatuloy siya sa pag-aayos ng buhok. “Alam kong ginagawa nila ang lahat para mahanap ang peke mong asawa,” aniya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD