Nakasapo siya sa kanyang bibig at hindi na halos mapigilan ang kanyang mga luha sa pagpatak. Alintanang ilang oras ang lumilipas sa bawat minuto. Ang gulo gulo ng isip niya. Naghalo-halo ang takot, pag-aalala at ang kaba na nararamdaman niya. Hindi siya makahinga. Parang ilang saglit pa ay bibigay na ang katawan niya sa tindi ng mga nangyayari ngayon sa buhay nila. Mag-isa siya sa labas ng emergency room. Nanginginig ang mga kamay habang hinihintay na lumabas ang doctor mula sa loob kung nasaan ngayon si Hunter. Humahagulgol siya, hindi na kayang pigilan ang mga nararamdaman. Parang gusto niyang sisihin ang sarili... Sisihin sa mga nakaraan at lalong-lalo na ngayon dahil nangyayari ito kay Hunter. Bumabalik na naman siya sa sitwasyon niya noong nalaman ang kalagayan nito. Kung sana

