"Sino ang love ni Nanay? sino?" "Si Gino!" Napahagikgik ang sanggol na kanilang nilalaro, nakahiga ito sa hita ni Hunter habang parehas silang nakaupo sa kama. Mag-aalas otso na ng umaga pero parang wala silang balak na kumilos para sa mga gagawin nila ngayong araw, dahil nawili na sila laruin ang anak na talagang wala ding balak na pakilusin silang dalawa. "Yung malaking Gino 'no, hindi ikaw." Ani ni Hunter bilang asar sa anak nila. Natawa si Erin. "Love.. 'wag mo ng asarin." "Eh ang cute cute eh, tignan mo kahit inaasar naka smile pa rin, parang 'di pinaglihi sa sama ng loob." biro niya pa kaya sinimangutan siya ni Erin, napahagalpak naman ng tawa si Hunter na ginaya agad ni Gino. Kaya muli, gumuhit ang mga ngiti sa kanyang labi. Parang nabuo na kasi ng mga ngiti at hagikgik nit

