"So ano na? Pang ilang manicure na natin to mars wala pa rin?" tanong ni Ivo sa kanya habang parehas silang nakasalang sa isang private area sa salon. Hinatid sila ni Hunter kanina, pagkatapos ay umalis din dahil may aasikasuhin. Habang iniwan niya muna si Gino sa Mama niya doon sa isang coffee shop na pagmamay ari nila dito lang din sa may malapit. Mas mabuti na nandoon ang baby at baka malanghap ang amoy ng mg nail polish dito sa salon. Hindi naman na kuha nito ang hika ng ama pero mas mabuti na at nakakasiguro na ilayo na lang nila sa maaring mag pa trigger. At kagaya nga ng sinabi ni Ivo. Nakailang manicure na sila sa salon para lang siguraduhin na maganda ang nails niya kung sakaling mg propose nga si Hunter pero sa ilang beses niyang nagpapalit-palit ng manicure ay wala pa rin.

