HINDI MAKATULOG si Donabella nang gabing 'yon. Napakaraming nangyari sa isang buong araw lang at hindi siya mapakali knowing na maaaring may kinalaman si Gio sa pagkahuli kay Red lalo pa't naroon ito sa mansion ng mga Evans. Tumayo ang dalaga saka inalis ang takip ng whiteboard. Humalukipkip siya habang tinitingnan ang mga nakasulat dito. Dumagdag na pinaghihinalaan niya ang ninong ni Jayford at mas lumaki ang paghihinala niya kay Gio. Naputol ang pagtitig ng dalaga sa whiteboard nang tumunog ang bagong cellphone niya na binili ni Redford. Kinuha niya ito at agad na tiningnan kung sino ang tumatawag. Mariin niyang kinagat ang pang-ibabang labi nang mabasa ang pangalan sa screen Nagdalawang-isip siya kung sasagutin ang tawag pero sa bandang huli ay pinindot niya ang green na button. “He

