“SINABI MO na magreresign ka na pagkatapos ng huling assignment mo. Bakit nagbago ang isip mo, agent Roberts?” tanong superior ni Donabella. Bumuntong-hininga ang dalaga. Tamad siyang nakaupo sa harapan ng mesa ng superior niya. Pinatawag siya nito para pag-usapan ang pagreresign niya pero napansin nito ang hitsura niya habang nagsasalita ito. “Agent Roberts, you are like a daughter to me. Alam kong may problema ka at batid kong dahil ito kay Atty. Redford Evans. Tell me, anong problema?” Sinlubong niya ang tingin ng kaniyang superior. “Sir, someone wrote the report and hacked my email account. Wala akong napuna kay Redford Evans na may kinalaman siya sa pagkamatay ni Calvin Rivera. Hinalungkat ko rin ang kahon na sinasabi niyong kinalalagyan ng mga ebidensiya pero wala ang mga 'yon noo

