HINDI MAHILIG sa date si Donabella pero nang ayain siya ni Redford, parang naexcite siya. Habang nagbibihis ay naisip niya kung ano ang mangyayari sa date nila at kung saan siya dadalhin ng binata. Pasulyap-sulyap si Donabella sa suot niyang relos habang hinihintay si Redford na lumabas ng kwarto. Kanina pa kasi ito nagbibihis at talagang daing pa ang babae sa kakuparan. “Sweetheart...” Tamad na tumayo si Donabella at nilingon ang binata. Kamuntik na siyang mapanganga dahil ang gwapo lalo ng binata ngayon. Nakaayos ang buhok nito pero hindi tulad ng dati na pormal dahil nakataas ang buhok nito at nakikita ang noo. Nakasuot lang ito ng itim na longsleeves at ripped jeans at may kwintas ito na noon pa niya napapansin pero ngayon lang lumabas. Umawang ang labi ni Donabella, hindi niya nap

