MADALING ARAW nang gisingin ni Donabella si Redford. Nakabihis na ang dalaga at suot nito ang pantalon at t-shirt na binili ni Redford sa kaniya. Dahan-dahan namang bumangon si Redford habang nagsasapatos ang dalaga. “Bakit?” humihikab na tanong ng binata saka niyakap si Donabella mula sa likuran. Tumigil sa pagtatali ng sapatos ang dalaga saka bahagyang nilingon ang bugnutin sa likuran niya. “May ibabalik lang ako.” “Hindi ba pwedeng ibalik sa umaga? It's just 2 am, sweetheart.” “Ibabalik ko ang ninakaw na obra ni Calvin Rivera sa gallery kapag umaga na? Gusto mo bang ako ang makalabos?” Napabitaw sa pagkakayakap si Redford. “Ano? Paano napunta sa 'yo ang mga 'yon?” Bumuntong-hininga si Donabella at hinarap ang binata. Nakapatong na ngayon sa kama ang kanang hita niya. “Nakita namin

