DONABELLA woke up so early the next morning. Agad siyang naligo, nagbihis at nag-almusal. Pupunta siya ngayong umaga sa headquarters para ibigay sa chief of police ang nakita niyang ebidensiya na magpapatunay na inosente ang mga Evans. Sakay ng motor niya ay pumunta siya sa headquarters. Bago rin siya pumasok ay binuhay niya ang audio recorder ng cellphone niya. Kailangan niya lang makasigurado sa lahat ng bagay. Nang makapasok sa headquarters ay naabutan niya ang hepe na papasok sa opisina nito. Agad siya nitong napansin. “Agent Roberts.” “Sir.” bati niya at nagbigay galang. “Tuloy ka. Anong maipaglilingkod ko?” Umiling si Donabella. “Hindi ho ako magtatagal, ibibigay ko lang sa inyo ang magpapatunay na inosente ang mga Evans.” Iniabot niya ang envelope na kinalalagyan ng tatlong pah

