NAGISING si Donabella sa isang malambot na kama. Napalunok siya saka dahan-dahang bumangon. Nakaramdam siya ng kakaiba sa suot niya kaya naman tiningnan niya ang kaniyang sarili. Pakiramdam niya'y hihimatayin siya nang makitang nakasuot siya ng magarang wedding gown. A-Anong... Bumilis ang paghinga at t***k ng puso ni Donabella nang maalala ang nangyari. Nawalan siya ng malay matapos niyang ubusin ang binili ni Tim para sa kaniya. Napailing-iling siya. Ramdam niya pa rin ang pagkahilo pero agad siyang tumayo. Natigilan ang dalaga at napasinghap nang bahagyang umuga ang kilalagyan niya Nasaan ako? —ang tanging tanong sa kaniyang isipan. Inilibot niya ang kaniyang paningin at ganoon nalang ang gulat niya nang mapagtanto kung nasaan siya. Nasa isang yate! Dali-dali siyang umakyat sa hag

