DUMATING si Donabella sa court room na pawisan at pagod na pagod. Malakas ang pagkakatulak niya sa nakasaradong pinto kaya naagaw niya ang atensyon ng mga nasa loob. Agad na napatayo si Redford at Jayford nang makita siya. Hinanap ng kaniyang mga mata si Ariela pero wala doon ang dalaga. Ilang saglit lang ay dumating si Ariela na hingal na hingal. Hawak nito ang brown envelope na pinakuha niya. Naningkit ang mga mata ni Donabella nang mamataan niya ang Chief of Police na kinausap niya kaninang umaga. Sigurado siyang nabili na ang dignidad ng hepe na 'yon. “Hindi n'yo pwedeng ikulong sina Redford at Kysler Evans.” panimula ni Donabella. Habang tahimik ang lahat ay dahan-dahan siyang naglakad papunta sa unahan. Sumunod naman sa kaniya si Ariela na asiwa siyang binulungan. “Why are you we

