Episode 55

1743 Words

TULALANG nagkakape si Donabella kinabukasan. Pinakawalan na siya ni Tim at si Tatiana naman ang iniisip niya ngayon. Alam niyang galit ito, ramdam niya ang galit nito. Gusto niyang kausapin ang matalik na kaibigan pero hindi niya alam kung paano. Kilala niya si Tatiana, kapag galit ito, galit talaga ito. Bumuntong-hininga si Donabella. Kung pwede lang sanang idaan sa sorry ang lahat. Ilang saglit pa ay pumasok sa kusina si Tatiana na agad napatigil nang makita siya. Agad na umiwas ng tingin si Donabella. Tumuloy naman si Tatiana matapos bumuntong-hininga. Tulad ng nakasanayan ay lumapit ito sa ref saka kumuha ng malamig na tubig at uminom. Tiinitigan ni Donabella ang umiinom na kaibigan. Gusto niya itong kausapin pero hindi niya alam kung paano. Maya-maya pa at naupo sa harapan niya s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD