JAYFORD is scrolling on his phone, reading news on the internet. Napapaismid siya sa mga balitang sumisira sa kuya niya. Nakakaiyamot talaga ang mga netizens na feeling superior at malinis. Makasilip lang ng kaonting butas sa isang tao, grabe na kung manghusga. “Tsk!” pumalatak ang binata saka tumayo at kumuha ng tubig sa ref. Uminom siya sa bote habang hawak pa rin ang cellphone at tinitingnan ang news. Hindi pa niya nalulunok ang tubig na ininom niya nang bigla siyang masamid. Nabugahan niya tuloy ang cellphone niya kaya naiiling siyang bumalik sa kitchen counter at ibinaba ang bote ng tubig na hawak niya. Pinunasan niya ang nabasang cellphone gamit ang dulo ng dami niya. Inalis niya rin ang case nito dahil medyo napunta sa gilid ang tubig. Akmang ibabalik na niya ang case nang mapansi

