MATAPOS ANG ilang segundong makapugtong-hiningang halikan nina Redford at Donabella ay pinakawalan nila ang labi ng isa't-isa. Malalim ang titig ng binata sa dalaga na ngayon ay humihingal na nakahiga sa sahig. Maya-maya pa ay ngumiti si Redford. “I'm sorry.” Kumurap-kurap si Donabella. Sorry saan? “Sa paghalik mo sa 'kin?” “Sa pagpapanggap na nalunod.” Gustong magalit ni Donabella nang maalala ang nangyari kanina. Tarantang-taranta siya nang makita sa malinaw na tubig ang katawan ng binata na nakalubog at hindi gumagalaw. Wala siyang ibang inisip kundi ang posibilidad na mamatay ito kaya tumalon siya sa pool nang hindi manlang naalis ang cellphone sa kaniyang bulsa— Suminghap ang dalaga saka mabilis na bumangon. Dinukot niya ang cellphone sa bulsa ng kaniyang pants at agad siyang na

