PAGKATAPOS ng awkward na tanghalian nina Redford at Donabella ay nagpresinta ang dalaga na maghugas ng mga plato. Ang binata kasi ang nagluto kaya dapat lang na siya na ang maghugas ng mga plato. “Matindi na ba ang galit mo sa'kin?” biglang tanong ng binata habang naghuhugas siya ng plato. Natigilan si Donabella dahil sa tanong ng binata. Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Siguradong tungkol ito sa nangyari kanina. Ayaw niyang sagutin ang tanong ng binata dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan nila. “If you want, I'll drive you home now. Ibibigay ko nalang ang kailangan mo sa biyernes.” dugtong ng binata. Dahan-dahang napatingin si Donabella sa lalaki. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa kaniya. Lumunok si Donabella. Sumandal siya sa sink, paharap sa binata na nakasandal

