Episode 10

2182 Words
MAGKASABAY na lumabas ng bahay ang magpinsang Kysler at Redford. Sumakay sila sa iisang sasakyan at si Kysler ang nakatoka sa pagmamaneho ngayong araw. Kysler started the engine and looked at Redford beside him. Sa kabilang banda ay binuksan naman ni Gio ang gate para makalabas ang dalawang amo. “Hindi mo ba sasabihin kay Jayford ang dahilan kung bakit pinagbabawalan mo siyang lumabas?” tanong ni Kysler sa kalagitnaan ng pagmamaneho. Ipinatong ni Redford ang siko sa nakabukas na bintana ng kotse. “I don't have to. Mas lalo lang susuway 'yon kapag sinabi ko ang dahilan.” Tumango si Kysler sa pinsan. “How about the attacker and that one who saved you? Maganda ang suhestiyon ni Jay na lagyan ng CCTV ang buong bahay. Bakit ayaw mong pumayag?” Redford took a deep sigh. Hindi siya pumapayag dahil gusto niyang malaman kung sino ang nagligtas sa kaniya at lalong hindi siya papayag dahil may hinala siyang si Donabella ang babaeng 'yon. “Red.” tawag ni Kysler sa atensyon ng pinsan. Umiling ang binata. “He won't come back if he found out about the CCTV.” “Sabagay, pero anong plano mo?” Nagtiim bagang si Redford. “I will catch him myself. Sigurado akong konektado siya kay Cal lalo na't nabuksan ulit ang kaso niya.” Tumango-tango si Kysler. “I will help.” Hindi na umimik ang binata. Tumingin lang siya sa labas at pinagmasdan ang matatayog na gusali. Ilang saglit pa ay natanaw niya ang isang billboard kung saan nakapaskil ang litrato niya mula sa isang sikat na magazine. “Pabalik na nga pala ng Pilipinas next month si Ariela. Natatandaan mo pa ba ang deal nyo?” Nangunot ang noo ni Redford. “Deal?” “Red, you agreed to her condition na tumira sa bahay kapalit ng engagement nyo at ng partnership with their family's company. You have to make her family believe na totoo ang feelings nyo para sa isa't-isa for each other's benefit. Hindi ba't 'yon ang deal nyo?” Napabuga ng hangin si Redford. Oo nga pala. Nakalimutan niya ang tungkol sa bagay na 'yon. Nitong mga nakaraang araw kasi ay abala siya sa pagmamanman sa mga kilos ni Donabella kaya nawala sa isipan niya. “I totally forgot about that.” “Dahil kay Donabella?” Natigilan si Redford at kunot-noong nilingon ang pinsan. “What?” Mahinang tumawa si Kysler. “Akala mo ba hindi ko napapansin ang kakaiba sa kilos mo? Kung si Jay maloloko mo, ako hindi. You've been acting strange since Donabella came and eversince that night, alam kong may nag-iba ” Umiwas siya ng tingin sa pinsan. “I don't know what you're talking about.” “Come on, Red. Sa tingin mo palang sa kaniya, halata nang may malisya e.” “Cut the crap, Kysler. I'm not attracted to her.” mariing tanggi ng binata. Napailing si Kysler saka itinigil ang sasakyan. “Sabi mo e.” saka ito bumaba ng kotse. Redford on the other hand clenched his jaw as he messed his hair in frustration. Galit niyang hinablot ang cellphone at wallet niya sa dashboard saka lumabas ng kotse. Dire-diretso siyang pumasok sa loob ng building nang hindi binabati pabalik ang mga empleyadong bumabati sa kaniya. Ilang saglit pa ay natanaw niya si Kysler na humahangos pabalik sa direksyon niya. Nang tumigil ito ay bumuga ito ng hangin bago nagsalita. “Red, nagcrash ang isa sa eroplano natin.” “What?” bumilis ang hakbang ni Redford habang kasabay ang pinsan na naglalakad. “Bumagsak raw sa dagat at maraming namatay, isa ang piloto natin.” Kumuyom ang mga kamao ni Redford habang nakasakay sila sa elevator. Binalot siya ng matinding galit, kung para saan ay hindi niya alam. *** PINAGPAG ni Donabella ang kama ni Redford Evans kahit batid niyang wala ni katiting na alikabok iyon. Pasulyap-sulyap siya sa CCTV sa silid habang pasimpleng tinitingnan ang bawat sulok ng silid. Nang matapos siyang ayusin ang kama ay siyang pagpasok naman ni manang Edita sa silid. “Bella, pakialagay mo nga ito sa closet ni sir Redford.” malumanay na utos sa kaniya ng matanda saka iniabot sa kaniya ang nakatuping mga damit ng bugnuting Evans. Nginitian niya ang matanda. “Sige po.” Nang makaalis ang matanda ay lumaki ang ngiti ni Donabella na unti-unting naging ngisi. Dahan-dahan siyang pumasok sa walk in closet ni Redford Evans at lihim siyang namangha sa ayos ng closet nito. Sobrang linis at sobrang organize. Agad niyang inilagay sa lalagyan ang mga damit ng binata pagkatapos ay tumingin-tingin siya sa loob ng closet, naghanap ng kahit na anong pwedeng pagkunan ng impormasyon tungkol sa itinatago ng bugnuting Evans. Ilang saglit pa ay naningkit ang mga mata niya nang mamataan ang isang kahon. Tumingin muna siya sa labas ng walk in closet saka nilapitan ang kahon. Binuksan niya ito at agad na napakurap-kurap nang bumungad sa kaniya ang isang litrato na nakalagay sa frame. Napalunok siya habang kinukuha ang litrato, kaparehong-kapareho ito ng ipinakita sa kaniya ng superior niya, ang kaibahan lang ay hindi punit ang litrato at kitang-kita niya ang side profile ng lalaking kasama ni Calvin Rivera sa litrato. Si Redford Evans. Nagtaas ng noo si Donabella. Tama ang hinala niya na kay Redford konektado si Calvin Rivera. Ibinaba niya sa sahig ang litrato saka tiningnan pa ang laman ng kahon. May bracelet, may fountain pen at isang camera. Tinangkang kunin ni Donabella ang camera pero agad siyang naalerto nang makarinig ng yabag. Mabilis niyang ibinalik ang litrato sa kahon at ibinalik ito sa dati nitong pwesto. Nagpagpag siya ng sarili at inayos ang nagusot na uniporme saka dali-daling lumabas ng walk-in closet. Tamang-tama na isinara niya ang pinto ng closet ay siya namang pagbukas ng pinto ng kwarto ni Redford Evans. Iniluwa nito si Jayford na tila nakahinga ng maluwag nang makita siya. Pumasok ito at naupo sa kamang inayos niya kanina. “Nandito ka lang pala, babe.” Nagkamot siya ng batok. “Naglagay kasi ako ng mga damit ng kuya mo. Bakit? May iuutos ka ba?” Ngumiti ito ng napakatamis dahilan para mangunot ang noo ni Donabella. Hindi niya gusto ang ngiti nito. Mukhang may binabalak. “Gusto ko kasing lumabas pero dahil pinababantayan ako ni kuya sayo, balak kong isama ka.” sagot nito saka gumalaw-galaw ang ulo nito at kinindatan siya. Humukipkip siya at umiling. “No. Bilin ng kuya mo e hindi ka puwedeng lumabas ng bahay.” Sumamangot ng sobra ang babaerong Evans. “Babe naman! Ginagawa mo naman akong bata e. Hindi ko kasi talaga pwedeng takasan ang laban ko mamaya, baka sabihin ng gagong Ricci na 'yon duwag ako.” Umiling muli ang dalaga. “Hindi talaga pwede. Sir Jayford.” she emphasized the word 'sir'. Pabagsak na nahiga sa kama ang binata saka ginalaw-galaw ang mga kamay at braso dahilan para magulo ang inayos niyang kama. Hindi makapaniwalang umawang ang labi ni Donabella habang tinitingnan ang damuho na nagtatantrums. Agad siyang nakaramdam ng inis nang makitang wala na sa ayos ang pinaghirapan niyang ilagay na bedsheet. Mabigat ang hakbang na nilapitan niya ito at hinambalos ng unan sa mukha. Mabilis itong tumayo at pinunasan ang mukha saka siya tiningnan ng masama. “Babe naman!” Inirapan niya ito. “Sir, kaaayos ko lang ng kama na 'yan.” Ngumisi ito. “Ayusin ko nalang tapos guluhin ulit natin.” Akmang hahambalusin niya ulit ito nang tumayo ito at lumayo sa kaniya. Ngumuso ito. “Samahan mo na kasi ako, babe. Mabilis lang tayo promise. Isang laro lang.” Mahinang tumawa ang dalaga. “Tapos kapag natalo ka? Aabutin tayo ng kung anong oras tapos pati ako makakagalitan ng kuya mo at ng pinsan mo?” Ngumisi ang binata dahilan para mangunot ang noo ni Donabella. “Anong nginingisi-ngisi mo, sir?” “You sound like a nagging wife.” nakangising sagot nito. Natawa si Donabella dahilan para ang binata naman ang kumunot ang noo. “Anong nakakatawa, babe?” Tumigil sa pagtawa si Donabella at umiling. Lumabas siya sa silid ni Redford Evans at hindi pinansin ang pagtawag sa kaniya ni Jayford na sinundan siya. “Babe, kapag hindi mo ako sinamahan tatakas ako tapos hindi ako babalik hanggang bukas para mapagalitan ka ni kuya.” Tumigil sa paglalakad si Donabella at hinarap ang makulit na binata. “Hindi talaga pwede, sir dahil kapag lumabas ka, talagang kagagalitan ako.” Ngumuso ito. “Akong bahala sayo. Saka mag oovertime naman sina kuya, uuwi tayo mag-ten pm, promise.” Marahas na bumuga ng hangin si Donabella. Naalala niya ang kahon na nakita niya kanina sa walk in closet ni Redford Evans. Mariin niyang pinagdikit ang mga labi para pigilan ang pagngisi nang may maisip siya. Tiningnan niya ang kaharap na binata. “Okay, sige. Pwede kang umalis pero hanggang 9:30 lang, sir. Tumakas ka mamaya, wag kang magpapakita kina Erika, ako nang bahala magdahilan sa kanila.” Ngumiti ng napakalaki ang binata at itinaas ang kamay nito, nagthumbs up sa kaniya. “Thank you, babe. Promise, hanggang 9:30 lang ako at hindi ka makakagalitan dahil tutupad ako sa usapan.” Humalukipkip si Donabella at tinaasan ng kilay ang malanding Evans. “Paano ako nakakasiguro na tutupad ka sa usapan, sir?” Kumindat ito sa kaniya. “I'm a man of my words, babe.” *** NANG MAKAPUSLIT paalis si Jayford ay napangisi si Donabella. Alas sais na ng gabi at katatapos lang niyang magligpit ng pinagkainan at magtapon ng basura. Tinulungan niyang pumuslit para tumakas si Jayford dahil may plano siya ngayong gabi. Kailangan niyang bumalik sa kwarto ni Redford at tingnan ang laman ng camera na nakita niya sa walk in closet nito. Pabalik siya sa kwarto nang makasalubong niya si manang Edita. “Bella, nasa silid na ba si sir Jayford? Baka mamaya ay tumakas na ang isang 'yon, matigas ang ulo ng batang 'yon e.” Pahilim siyang tumawa. Naku, kung alam lang ng matanda. Nginitian niya ito. “Nacheck ko na po, naroon na siya sa kwarto niya.” “O sige. Matulog ka na at magbabantay muna ako ng kaonting oras, baka kasi humahanap lang ng tiyempo ang batang 'yon.” Mabilis na umiling ang dalaga sa matanda. Hindi pwedeng iwan niya ang matanda dahil baka bigla itong kumatok sa kwarto ni Jayford at mabuko nito na wala ito sa kwarto. “Naku, wag na po. Ako nalang po ang magbabantay dito, hindi pa naman po ako inaantok.” “Pero Bella...” Hinawakan niya ang mga kamay ng matanda. “Sige na po, matulog na kayo. Hindi ko po hahayaang makaalis ng bahay si sir Jayford.” Kung magkakaroon ng listahan ng mga sinungaling, siguradong nangunguna ang pangalang Donabella Roberts. Sa klase ng trabaho niya, hindi siya pwedeng magsabi ng totoo dahil agad siyang mabubuko at mawawalan ng trabaho. “Sigurado ka ba, ineng?” Nginitian niya ang matanda. “Sigurado po ako.” “O sige. Maya-maya ay matulog ka na rin.” Tinanguan niya ang matanda. Nang makaalis ito ay pasimple pang tiningnan ni Donabella ang buong paligid bago siya umakyat sa itaas. Maingat pero mabilis siyang pumasok sa kwarto ni Redford Evans at dumiretso sa walk in closet nito nang iniiwasan ang CCTV. Agad niyang hinila ang kahon at naupo sa sahig. Nang makuha niya ang camera ay agad niya itong binuksan para makita ang mga nilalaman nitong litrato pero mahina siyang napamura nang wala siyang nakita. Walang memory! “Anak ng...” gigil na bulong ni Donabella saka napailing. Ngali-ngali niyang ibato sa pader ang camera pero pinigilan niya ang kaniyang sarili. Ibinaba niya ang camera at muling binulatlat ang laman ng kahon. Kinuha niya ang bracelet saka dinukot ang cellphone niya sa kaniyang bulsa. Kinunan niya ng litrato ang lahat ng laman ng kahon saka niya ito ibinalik sa dati nitong pwesto. Tumayo siya at napadako naman ang kaniyang paningin sa mga nakahilerang sapatos. Nangunot ang kaniyang noo nang mapansin ang dalawang pares ng rubber shoes na mas maliit kaysa sa ibang pares ng mga sapatos. Umawang ang kaniyang labi saka nilapitan ito at kinunan ng litrato. Marahas siyang bumuga ng hangin saka ang mga damit naman ang pinagtuunan niya ng pansin. Naningkit ang mga mata ni Donabella. Katulad ng sapatos ay may ilang mga damit rin na mas maliit kaysa sa size ni Redford Evans. Napailing-iling si Donabella habang kunot ang noo. Imposibleng kay Jayford o Kysler ang mas maliit na mga damit at sapatos na 'yon dahil may sariling kwarto ang mga ito. Agad na tiningnan ni Donabella ang litrato sa kaniyang cellphone. Ang litrato ni Calvin Rivera at Redford Evans. Umawang ang labi niya nang mapansin ang pagkakaiba ng sukat ng katawan ng dalawang lalaki sa litrato. Mas maliit si Calvin Rivera kaysa kay Redford Evans. Napakurap-kurap ang dalaga habang tinitingnan ang mukha ni Calvin Rivera. Masyado itong makinis at maganda para sa isang babae. Napailing si Donabella nang may ideyang pumasok sa kaniyang isipan. No! No, that's impossible!—bulong ng isipan ng dalaga. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD