HINDI ALAM ni Sasha kung paano niya nagawang makauwi sa condo unit niya nang gabing iyon. Isang linggo siyang pagod at halos walang tulog dahil sa pangangampanya at pakikipagkita sa mga politiko at iba pang mga organisasyon na makakatulong para manalo ang party list nila sa eleksyon. By the time na sumakay sila ng eroplano pabalik ng Maynila pakiramdam niya naka auto-pilot na lang ang katawan niya at nang nakasakay na siya ng taxi feeling niya bibigay na talaga ang katawan niya. Pagpasok ni Sasha sa condo niya, halos gumapang na siya para makahiga sa mahabang sofa. “God, I’m so tired,” ungol niya at pumikit. Her body is aching everywhere. Narealize lang niya na nakatulog siya sa sofa nang maalipungatan sa pagtunog ng cellphone niya. Umungol siya at ni hindi maidilat ng maayos ang mga ma

