Kumislap ang simpatya sa mga mata ni Joy at sa mga sandaling iyon pakiramdam niya malulunod siya sa matinding pagsisisi. Lalo na nang magsalita ito. “James, mahirap magalit sa isang taong galit sa sarili niya. Kaya hindi ko nagawang magalit talaga sa ‘yo. Ganoon din ang mga babaeng dumaan sa buhay mo na minahal ka ng totoo. Hindi kami galit. We were just sad that you can never put your trust on us. Na kahit anong gawin namin, hindi talaga namin nabuksan kahit kaunti lang ang puso mo. Alam ko hindi ka maniniwala pero lahat kami, minahal ka sa sarili naming paraan. Maybe you don’t deserve it but we did care for you. I really loved you back then, James.” Hindi nakapagsalita agad si James at napatitig lang kay Joy. Years ago he didn’t look at her properly. He just saw her as a naïve girl who

